Katakana











{February 10, 2008}   no time.

hindi na talaga ko makapag-post d2. wala talagang oras eh. ang daming gagawin. may mga natapos na naman kami, kaya lang may mga sumusunod pa. para ngang hindi matapos-tapos ang kelangan naming gawin. well, ganun talaga, graduating eh. ganito pala ang feeling, excited na ewan. ayaw na namin magklase pero gusto naming pumasok nang pumasok sa skul, yun nga lang walang ginagawa, hehe. wala naman masyadong nangyari sa buong week na ‘to. nung monday pala, nagsayaw kami. hehe. wala lang. nakakatuwa lang. excited na nga ko for tom. kasi magsasayaw ulit kami. sino kaya magiging partner ko? hmm. tapos pala. nung friday, may nakaaway ako. si ano. oo, siya nga. hay nku, ang arte kasi eh. ang pinakaayaw ko sa lalaki yung maarte. ang pinakaayaw ko yung pinipilit ang taong ayaw. ganito yun, kagrupo ko na siya sa en-math para dun sa powerpoint presentation na pinapagawa ni sir. tapos biglang sabi niya, lilipat daw siya dun sa kabilang grupo. akala ko naman joke lang niya yun. uwian na, pupunta kami dito sa bahay namin kasi dito kami gagawa. niyaya na namin siya, sabi niya: akala ko ba ayaw niyo ko maging kagrupo? wala naman kaming sinabing ganun. blah blah blah. kinausap niya si rio  (napasama pa siya). sabi niya: rio may kagrupo ka na ba? pwde ba ako sa inyo? edi dun siya. syempre si rio hindi siya tatanggihan, kasi ano eh. ganun na yun. ang nakakagalit dun, pinarinig pa nila sa harap ko. eh alam naman nilang…ganun un. bahala siya.



{February 4, 2008}   it has been 6 days.

mahaba-haba siguro ang malalagay ko ngaun. mula nung jan. 29 until kahapon, hindi ako nakapag-post. bakit? ang daming ginagawa.

jan.29.

sportsfest. weew! the best talaga ang araw na ‘to. hinding-hindi ko makakalimutan. salamat sa aming pinakamamahal na mapeh teacher na si ma’am lising. buong araw na kasiyahan. buong araw na walang problema. ang saya talaga. champion kami sa volleyball. grabe, closed fight yun. the best talaga si wammy! (si christian yun). siya ang huling nag-serve, at fortunately, hindi nareceive ng amos. =p syempre, champion din kami sa basketball boys. hanep naman talaga. natalo na naman namin ang amos. peace amos! love ko kayo sobra! =p syempre pati chronicles. at lalong-lalo na ang acts. the best talaga ang laban na yun. biruin niyo, si wammy nagkapilay nun. pero panalo pa rin kami. hehe. not mentioning, bumilib ako kila noel, kuya jeff at reyan. hanep mag-3points. syempre naman pinagmamalaki ko ang magigiting naming boys: sila kuya val, castro, kevin, christian, louie, adriane. may nakalimutan pa ba ako? sila lang ata eh. pero hindi kami ang naging overall champion. humataw kasi ang amos sa badminton. 3 ang nakuha nilang champion dun, kami isa lang. kaya sila ang naging overall champion. congrats amos! =p natapos ang araw na yun mga 7:30pm. 12 hours kaming magkakasama. 12 hours na saya. 12 hours na pagtawa. 12 hours na tilian. 12 hours na pagchi-cheer. para nga raw kaming nakalabas sa lungga eh. sobrang saya talaga. =p another thing is, may nalimutan pa pala ako. naglaro ako ng basketball. hehe. 3rd nga lang kami eh. pero ayos lang, naka-shoot ako ng isa. hehe. ang saya talaga. kahit na sobrang pagod, masaya naman. pagkatapos nun, lahat kami bagsak na. pero makikita niyo ang saya sa aming mga mata.

bday din pala ‘to ni kevin charles. happy bday kevin! ang saya ng bday mo. ang gandang regalo ‘to sa’yo.

jan.30.

ordinary day. back to normal. may klase na naman. pero may hang-over pa rin kami. nananakit ang mga kasu-kasuhan. hindi makagalaw. hehe. nakakatuwa talaga. pero kahit ganun, on the go pa rin kami. kelangan kasi eh.

jan.31

sir pacheco’s bday. happy bday sir! ilang taon ka na ba? huhulaan ko. siguro mga 37. tama ba? hehe. pero muka ka pa ring nasa 20’s. naks naman! ako ang unang nakaalam na bday ni sir. hehe. ganun talaga. mahal ko eh. este teacher ko kasi siya kaya mahal ko siya. hehe.

feb.1

xine’s bday. it’s friday.

wow. sunud-sunod ang may bday ha. happy bday xine! miss u so much! wala naman nangyari. wala lang kaming klase. hehe. ang saya. walang adchem, walang math, walang enmath. wala kaming natutunan. pero ayos lang. masaya naman eh. hehe. todo laro. todo daldalan. hehe. walang humpay talaga. nag-overnyt din pala ang mga groupmates ni jordan. pero dito sila natulog sa amin. hehe. ganun talaga. magkapitbahay lang naman kami ni jordan eh.

feb.2

schoolworks. pumunta na rin ang mga groupmates ko dito sa amin. dito rin gumawa sila jordan ng mural. hehe. ayun masaya kasi marami kami. ang sisipag ng mga ka-group ko kaya natulog na lang ako. hehe. ang bait ko noh? natapos naman namin agad.

feb.3

sunday. malamang sunday kahapon kasi ngayon monday. hehe. wala lang akong masabi. ginawa ko lang yung ibang school works, yung research work namin sa mapeh tinapos ko na pati yung ilalagay namin sa annual (project sa ap) tinapos ko na rin. para wala na masyadong poproblemahin.

feb.4

nagkaron ng career orientation. ang masaya dun pinakain kami ng jollibee. hehe. ayun lang. at syempre may nangyaring mas masaya. ano yun? after ng career orientation bumalik kami sa room. enmath na. dumating si sir. hawak ko yung puzzle na binigay sa amin sa career orientation na yun. tinanong ako ni sir: ano yan? clay? natawa ako. muka ba yung clay? o kakulay lang ng clay? sabi ko: hindi po sir. puzzle yan. gusto mong laruin? sabi ni sir: sige. madali lang naman ata eh. ang akala lang niya. ang hirap kaya nun. tumabi siya sa akin habang nagbubuo siya. syempre kinikilig ako. talagang may ganung factor na. hehe. natapos niya yung color orange. sumunod yung red. tapos yung green. nahirapan siya dun sa green kasi yun talaga pinakamahirap. may mali kasi dun eh, nakabaligtad. hindi na niya nasubukang buuin yung violet, blue at yellow kasi time na. todo kwentuhan kami. ang dami niyang advice sa amin para sa college life. ang baet niya talaga =p . tinanong ko siya kung madali lang ba ung ECE. yun pala ang course niya nung college. sabi niya: kaya mo yun. magaling ka naman sa math eh. hehe. todo kilig naman ako! blah blah blah. basta yun ang saya. ang kulit ni sir, para siyang ka-age lang namin. =p



{January 28, 2008}   ordinary day.

walang nangyaring kakaiba kahapon at ngayon. kaya wala akong mailagay. ang alam ko lang sportsfest na namin bukas. excited na akong maglaro ng basketball. hehe =p



{January 26, 2008}   debut.

kakauwi ko lang. galing kami sa debut ng pamangkin ko. pero mas matanda siya sa akin. pinsan ko ang papa niya. ayun, hindi naman masyadong bongga. maraming pagkain. maraming bisita. may 18 roses, 18 candles at 18 treasures. hindi ako sanay ng maraming tao, lalo na pag hindi ko kilala. kaya tahimik lang ako sa isang tabi. blah blah blah. ako na lang ang hindi pa nagde-debut sa aming magpipinsan. ako kasi ang pinakabata sa mother side. matagal pa yun. after 2 years pa. kung sa bagay, mabilis kasi ang panahon. sa isang iglap, magde-debut na rin ako. nakaline-up na ang 18 roses ko- ung 14 na boys kong classmates ngayon, yung 2 kong kuya, si papa syempre, yung pang-18 hindi ko pa alam. siguro kung sino na lang ang dumating. gusto ko nga si sam concepcion eh. =p yung 18 candles naman yung 17 na girls kong classmates ngayon at yung best friend ko nung elementary. gusto kong theme fairytale. sabi nga ni kuya ano ba yan debut nga tapos fairy tale? kanya-kanyang style lang yan. hehe. yun ang gusto ko eh. tapos gusto ko rin tumugtog yung banda nila kuya val, syempre pati na rin sila kuya ko. ayun. hehe. gusto ko talaga masaya ang magiging debut ko. =p



{January 26, 2008}   kabaligtaran.

jan.25′08.

walang masyadong nangyari. hindi ako nakapag-post kagabi dahil sinimulan ko nang gawin ang ilang school works. napakadami. hindi ko alam kung anong uunahin ko. kabaligtaran nga noong nakaraang lingo. blah blah blah. nag-enjoy ako sa english kahapon. sa una pa’y kami’y nayamot dahil dapat excuse na kami. kaya lamang, maagang natapos ang program sa gym. kaya ayun. may english nga kami. sa una, tahimik. mukang galit kasi si ma’am aniana. nang tumagal-tagal, nagsimula na ang ingay. “the necklace” ang ni-lesson namin. hindi kasi siya nakapag-lesson nun nung thursday dahil nga maraming wala. blah blah blah. nakakabingi ang katahimikan sa una, at nakakabingi rin ang kaingayan namin nang tumagal. hehe. ang dami niya sa amin tinuro. basta marami. =p



{January 24, 2008}   araw na kulang. kumpletong araw.

7am. pumunta na kami ng gym. dun ang assembly for the orientation sa operation-linis. maglilinis kami ng buong campus. part of our CAT requirements. 5 thursdays kami magga-ganun. first time pa lang namin ngayon. so four more to go. masaya naman. masayang mag-linis.

*fast forward

filipino. unit test namin. 47 ang nakuha ko out of 65. kung hindi ko lang pinairal ang pagkabingi ko. hindi ko narinig na ung test V, ilalagay yung title ng kabanata 21-30. ayun, nawalan ako ng 10 points. sayang talaga. blah blah blah. wala ng sumunod na subjects. english na lang. eh last subject pa namin nun. at almost half lang ang number ng mga natira- 19. kaya medyo nagalit si ma’m aniana. pinagreport na lang niya ang mga reporters dahil nakakatamad daw magturo dahil ang konti nga namin. blah blah blah.

araw na kulang. ang dami kasing wala. parang ang lungkot. hindi masyadong maingay. kumpleto ang araw. akala ko hindi ko na siya makikita ngayong araw na ‘to. pero mabait si God, bago ako umuwi nakita ko pa siya. =p

*gusto ko lang i-post yung ginawa kong poem. =p

Bilog na Pagkakaibigan

 Pumasok ako sa bagong paaralan
At napakaraming taong namataan.
Isa, tatlo, lima, hanggang isang daan
Kulang pa ata ang aking pagbibilang.
 
Ako’y pumasok na walang kakilala
Ang takot at pangamba ay dala-dala
Nahihiya na humarap sa kanila
Pa’no nga ba ako magpapakilala?
 
Nakatabi ko ang dalawang lalaki
Na nagngangalang Jordan at Darryl,
At si Vieira naman na napakaganda
Walang tigil noon sa pagsasalita.
 
Sila Ryan, Zeta, Mira at Graziela
Ang mga nakaupo sa kabilang banda
Naging kagrupo sa isang asignatura
At doon kami lubos na nagkakilala.
 
Si Graziela, kasama sila Febe at Jainah
Ang mga una kong naging barkada
Pinakilala nila sa akin si Gezella
Na noon ay nasa pangkat dalawa.
 
Nahulog noon ang aking pambura
Na agad namang pinulot ni Katrina,
Doon na kami nagkakilala
At ang aming pagkakaibigan ay nagsimula.
 
Sa asignaturang matematika,
Bagong kaklase ang aking nakilala
Sila Reyan at Allein,
Maging si Isabel na kapangalan ko pa.
 
Kaibigan ko na ang nasa kaliwa at kanan
Eh paano naman kaya ang nasa likuran?
Sila Ever, Ariadne, Jerick at Jullian
Na naging kagrupo ko sa Araling Panlipunan.
 
Sa pagtatanghal ng Ibong Adarna,
Nakapareha sila Victor at Kevin Garcia.
Naroroon din si Grace Peco at Sarah,
Na mga magagaling na artista.
 
Bennedict Santos, isang pilyong bata
Ngunit napakagaling naman sa Siyensya.
Sa kanyang mga ngiti at pagpapatawa
Kaya ko siya lubos na nakilala.
 
Ang aking kuya na si Jeffrey
Ang teroristang wanna-be
Hindi kinatatakutan, kundi minamahal pa nga
Ng mga babaeng nahuhumaling sa kanya.
 
Mga babaeng nasa likod niya,
Sila Che, Fredelyn, Belen, Rubie at Grasya.
Maging si Ila ay nahulog na ata
Iyon ang katotohanan, hindi ba?
 
Ang tambalang minahal ko nang lubos
Sila Hera at Louie Angelo Cruz.
Mapapantayan ba sila ng isa pang tambalan,
Na sila John Carlo at Rio Natanawan?
 
Sino pa nga ba ang hind ko nababanggit?
Oh, sila Clarissa, Martin, Ponci at Jubelle man din,
Isama mo na sila Chiara at Ian Gamara,
Na aking mga nakasama.
 
Dumating ang ikalawang taon
May mga nawala at mga pumalit noon.
Si Mendoza ang una kong nakausap sa kanila
Dahil magaan ang loob ko sa kanya.
 
Si Castro ay siya ko ring nakasama
Sa kanyang kilos, ako’y naiinis talaga
Akala mo kasi ay kung sino siya
Ngunit ako’y nagkamali, siya’y mabait pala.
 
Si Esporlas na tahimik sa una,
Akala ko’y hindi na ako mapapalapit sa kanya
May taglay siyang husay sa matematika
Idol ko siya talaga.
 
Si Karen ang unang sumindak sa akin
Sa kanyang taglay na galing
May pagkamataray at maging pagkasuplada
Ang pagiging mahinhin ay nagpapaganda sa kanya.
 
At paano ko ba naman makakalimutan si Felisa
Na ilagay sa aking obra-maestra,
Si Felisa na walang mintis ang pagtawa,
Sa bawat araw na siya’y ginawa.
 
Nangangalahati na ang aking paglalakbay
May mga bago na namang barkadang sumakay
Sa malaking jeepney ng aking buhay
Mawala man sila, sa puso’y hindi naman magbaba-bye.
 
Sa ikatlong taon, nadagdagan ang katoto
Hindi na nga kami kasya sa motorsiklo
Para na akong nanalo sa lotto
Hindi na ako kailanman magsosolo.
 
Si Lovely, Princess, Jannine
Mga babaeng nagpakita ng galing
Kasama sila Kuya Val, Peki at Kevin
Sa kagwapuhan ay hindi bitin.
 
At ngayon, ko’y nasa ika-apat na taon na
At nakilala ang isang maliit na bata,
Mary Joy ang ngalan niya,
Ngunit siya ay talagang tinitingala.
 
Si Adriane ay siya ring nakilala
Na sa Siyensya, ako’y sa kanya humahanga,
Ito ang kanyang galing at talino,
Kaya’t maraming kababaihan ang nagkakagusto.
 
Mula sa isa, dalawa at tatlo
Ngayon ay sandaang kilo
O hindi kaya’y mahigit pa rito
Ang pagsasamahang nagmula sa uno.
 
Pamilya na ang turing ko sa kanila
Pagkakaibigan ay hindi na nga
Ate, kuya, tito, tita, lolo at lola
Iyan ay dito mo lang makikita.
 
Aking minamahal na uno
Sana’y tayo ay solido
Hanggang sa dulo ng ating buhay
Hanggang sa matapos ang ating paglalakbay.
 
Isang buwan na lamang ang nalalabi
Tayo sana ay lubos na makapili
Ng kurso na ating minimithi
Upang hindi tau magsisi.
 
Oh aking kakilala,
Oh aking kaklase,
Oh aking kaibigan,
Oh aking kapatid…
Ito ay para sa inyo…

 



{January 23, 2008}   basketball.

first subject namin MAPEH. nagpractice kami for the sportsfest. inusog na naman. supposed to be sa friday at saturday na un. since may overnight camp ang girlscouts, hindi pwde. sa jan.29 na ata (if i am not mistaken). anyway, ang saya. enjoy. nakakapawis. exercise na rin yun. para naman mabawasan ang cholesterol ng katawan. haha. then, computer education na. biruin niyo yun, after namin magpakapawis, eh pupunta kami sa air-conditioned room. haha. gustong magpakamatay? next filipino. wala si ma’am. walang unit test. wala nang nangyari sa mga sumunod na oras. boring. ang panget ng atmosphere. para akong magkakasakit. hindi nga ako nag-ingay sa araw na ‘to. ay, nung nagbabasketball lang pala. blah blah blah. yun lang. walang pahabol ngayon dahil wala naman akong makkwento.



jan. 21 ‘08.

uap interview. 10am ang interview ko. dapat hindi na ako papasok, kaya lang inisip ko baka may test sa physics. ang usapan namin nila jerick at jainah (sila mga kasabay ko) diresto na kami dun. buti na lang pumasok pa ako, kasi pumasok din sila. flag ceremony. tinawag ang pangalan ng mga UP at MAPUA passers. wala ako sa mood. kaya nung tinawag yung pangalan ko, parang wala lang. may narinig pa akong nagsabi lagi naman sila eh. naisip ko bigla ung ADMU. sayang hindi ako nakasama dun. anyway, tapos na naman yun eh. blah blah blah. pagdating ng room, niyaya namin ni jerick si jainah na magpaalam na kami kay sir paj. eh ayaw na ni jainah pumunta run. kasi may pinapapasa pa sa kanya (nalimutan ko kung ano). pinilit namin siya ni jerick pero ayaw niya talaga. bumaba kami ni jerick. kinausap namin si sir. kelangan pa raw ng excuse letter. sabi pa niya alam nio nang aalis kayo, hindi niyo pa yan hinanda. malay ba naming kelangan pa ng permit. school matter naman yun. ayaw lang talaga namin mag-physics. nag-stay kami sa room. pero gumawa pa rin kami ng letter para mapalabas kami ng campus. kelangan pirmahan un ni ma’am irene. grabe ang tagal niya. AP ang first subject ng sec.3, pero hindi nila na-meet si ma’am. 8:30am na. hindi pa rin namin nakikita si ma’am. eh ang interview ni jerick 9am. paikot-ikot kami, sa museum, alumni, office ni sir torres, guidance office, admin. wala. dalawang beses namin inikot ang mga nasabing lugar. pero wala talaga. bumalik kami sa musem nang pangatlong beses. bukas na. akala namin andun na si ma’am. pero wala pa. sabi nung teacher na nakausap namin, pumunta raw siya sa DO (division office). so, wala na kaming pag-asa. sobrang late na. lakad lakad lakad. naisip namin na pumunta na mismo sa principal. sa kanya na kami magpapaalam. bigla namin nakita si ma’am fernandez. tumakbo si jerick para habulin siya. unfortunately, ayaw niyang pumirma at ayaw niya kami ilabas. may point din siya, hindi naman kasi siya ang adviser namin. kaya pumunta na talaga kami sa principal. naghintay kami ng mga 10mins. sakto pagpasok ko ng office, andun na si ma’am irene. ayaw pumayag ng principal. after class na raw kami umalis. pa’no yun? eh naka-schedule nga kami sa oras na yun. wala na kaming magagawa. napag-pasyahan namin na magpare-sked na lang bukas. bumalik muna kami sa room para umattend ng MAPEH. after nun, pumunta kami sa office. tumawag kami sa uap. (nag-iba pala ung desisyon namin. magpapausog na lang kami ng time, pero sa araw ding ‘yon. masusundo kasi kami ni papa. 10am ko na nabasa yung text ni mama.) 11:05 na kami nakaalis ng school. sobrang late na. kasama namin sila zeta at belen. nagpasa kasi sila ng form. grabe talaga. halos 3 hours kaming nagpabalik-balik sa campus. nakakapagod. na-exercise ako dun ha.

hindi naman masyadong nakakakaba ang interview. mabait naman kasi siya- si ms. cory medina. nauna si jerick sa akin. after ng interview, kumain kami sa tropical. grabe, ang dami naming nakain. halos hindi na kami makatayo sa sobrang busog.

blah blah blah.

*flash back

ang ikekwento ko ngaun hindi siya related sa topic. pero nangyari ‘to after ng mapeh class. habang hinihintay namin ang pagdating ni papa para sunduin kami. (ang tutukuyin ko rito ay yung taong tinutukoy ko sa previous entries ko) kinuha niya ung i.d niya sa akin. for two weeks, nasa akin ang id nia sa national lib pati sa jamboree, tsaka pala yung binigay niyang card (hindi ko na sasabihin kung anong nakalagay dun). ung id lang naman ang hinihingi niya, pero pati yun binigay ko. hindi ko binigay ng direkta sa kanya, pinabigay ko kay kuya val. sabi niya ano ba yan pinabigay pa. (nakita niyang binalik ko pati yung card) sabi niya bakit pati ito? hindi ako sumagot. siguro apat na beses kong narinig ang tanong niyang bakit?

*katahimikan

wala na ako masabi.

jan. 22 ‘08.

sam concepcion visited RHS.

gwapo siya. hindi matangkad. ayos lang. siguro kasing tangkad ko o medyo matangkad ng konti. bakit siya pumunta? ang alam ko kasing dahilan ay para mag-promote ng anything about education. pero parang iba ang nangyari, parang nag-concert lang siya. hay ewan.

blah blah blah.

*anunsyo

ano raw yun? hehe. ibang topic na ‘to. yung topic na laging pahabol. well, may improvement. okay na kami. sana nga. hindi na kami nag-iiwasan. totoo kaya? magkatabi kami kanina sa oval. pinapayungan pa niya ako (actually, hindi lang naman ako. at hindi ko ginustong makatabi ko siya. basta nagkatabi lang kami).

end of the show.

=p



{January 20, 2008}   1368 messages deleted.

himala hindi ako nagising ng maaga para gumawa ng school works. it means walang gagawin. paggising ko computer agad ang hinarap ko. then, nag-lunch at harap na naman sa computer. four hours ako sa harap ng computer (kaya lumalabo mata ko eh). after ko naman magcomputer, nag-text ako. hehe. ganun talaga. sinusulit lang ang time na walang ginagawa. kasi for sure, gawaan na ng termpaper at iba pang projects sa mga susunod na araw. hell days nga, ika nila. blah blah blah.

*1368 messages deleted.

ang dami ba? hehe. oo i decided to delete all his messages. bakit? wala lang. hindi ko na feel na i-save pa yun sa buong buhay ko. tinanggal ko na rin siya sa featured friends ko. tingin ko tama lang naman ang ginawa ko eh. nag-seryoso ba siya? hindi. hindi naman naging kami. pero ang pinakaayaw ko sa lahat ung lokohan. nagbitiw siya ng mga sweet words. sweet words na walang pinatunguhan. hindi ako galit sa kanya. pero ayaw ko na talaga. well, ganun pa rin naman kami eh. kahit na nag-iiwasan, pag kelangan naman mag-usap naguusap kami. haha. sige yun lang. nothing more to say =p



tapos na rin ang periodical. tapos na ang third grading. ang bilis. fourth grading na. two months na lang ang nalalabing panahon namin sa pader ng rizal high. blah blah blah. oh my, ang hirap ng test! as in. siguro kasi hindi ako nag-review. bad bad bad. ang tamad ko kasi eh. :c i got 41 out of 60 sa english. chinekan na knina. well, hindi naman mababa. okay n un. hindi ko rin sineryoso ang math. haha. ano nang mangyayari? kakaiba kasi ang atmosphere knina eh. sobra talagang nakakatamad.

*fast forward.

natapos ang test. natapos namin checkan ang english. umalis na kami nila felisa at mj. punta kami sa uap para ipasa yung form ni mj. before pala nun, naglakad kami papuntang simbahan. magpapadevelop kasi si mj ng picture. unfortunately, kinapos kami ng time. half day lang pala ang admission office ng uap. wala naman kaming magagawa. so, we decided to go to the mall. take note: nakauniform kami. haha. mga gala talaga! hindi nga kami pinapasok sa unahan eh. kaya dun kami sa gilid dumaan. umuwi kami ng mga 2:45pm. diretso kami sa adoration. nag-pray. nag-tirik ng kandila. ang sarap ng feeling. medyo nakakapagod. pero ayos lang. ang saya naman namin eh.=p



et cetera